in Filipino: on ecology:
Isang Higanteng Tungkulin mula sa Maliliit ng Organismo sa Mundo
http://5bio5.blogspot.com/2014/05/in-filipino-isang-higanteng-tungkulin.html
Paper was originally published in English, the reference:
Author of this publication: Dr. Sergei A. Ostroumov, a scientist at Faculty of Biology (Laboratory of Physico-Chemistry of Biobembranes), Moscow State University, Moscow, Russian Federation
The paper was translated from English into Filipino by Aljon Fresnido
The Filipino translation of the paper was updated and revised by the author, with addition of many new references.
Key words: Filipino, ekolohiya, ecology, organismo, research, science, water, ocean, pananaliksik, agham, tubig, karagatan,
Abstrak: Ang mga pag-aaral sa ekolohiya ng iba’t ibang organismo ang nagbigay daan sa mas malalim na pag-unawa sa mga komplikadong proseso ng biosphere sa mundo. Hindi mapagkakailang malayo pa ang gugugulin ng tao para sa isang balanseng relasyon sa mga ibang uri ng may buhay. Ang mala-permanente at unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran at ng ekosistema dulot na rin ng mga pagbabagong dala ng tao ang nagmulat sa atin sa kahalagahan ng mga makabago at epektibong pamamaraan ng pagbibigay ng agarang proteksiyon at konserbasyon nito. Dito natin makikita ang malalim na kahalagahan ng pag-aaral sa relasyon at interaksiyon ng iba’t-ibang uri ng may buhay. Ang pagbibigay integridad sa ekosistema ay maituturing na dulot ng iba’t ibang interaksiyon na bumubuhay dito. Isa sa napakahalagang ginagampanan sa pagpapanatili ng integridad na ito ay handog ng mga aquatic invertebrate animals (filter-feeders) na siyang nagsasala at nagpapahusay sa kalidad ng tubig. Sa polusyon na dinaranas sa kasalukuyan, gaano nga ba binabago nito ang kapasidad ng mga aquatic invertebrate animals na panatilihin ang kanilang ginagampanan sa ekosistema?
Ang filter feeding ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagkuha ng pagkain ng ilang mga lamang-dagat kagaya ng tahong at ibang seashells omollusk. Ang mga organikong komponent o maliliit na organismo na siyang nakukuha mula sa pagsala sa current ng tubig na dumadaan sa sistema ay siya namang nagsisilbing pagkain nila. Dulo’t nito, masasabi nating mahalaga ang ginagampanan ng ganitong uri ng mga nilalang sa pagpapanatili ng maayos na kalidad ng katubigan sa buong mundo. Biological filters ang tawag sa mga nilalang na my ganitong serbisyo.
Una ko ng sinubok na alamin ang epekto ng kemikal na kung tawagin ay surfactant sa kakayahang ito sa isang uri ng tahong, ang Mercenaria mercenaria. Ang surfactant ay isang uri o grupo ng mga kemikal na sangkap sa mga sabon na ating binibili at kadalasang nakakalat dala ng polusyon. Negatibo ang epekto nito sa nasabing kapasidad.
Mula sa pangunang pag-aaral na ito ay umusbong pa ang napakaraming katanungan ukol sa epekto ng synthetic surfactant sa iba’t ibang lamang dagat. Ang mga sumusunod ay mga pag-aaral na pinangunahan o dinaluhan ko sa iba-ibang bahagi ng mundo sa tulong na rin ng aking mga kapanalig sa siyensiya.
ANG MGA TAHONG SA PLYMOUTH
Isang pag-aaral ang isinagawa ko sa kakayahan sa pag-filter ng isang uri ng tahong, ang Mytilus edulis. Ang pag-aaral na ito ay siyang sumunod sa paunanang pag-aaral patungkol naman sa Mercenaria mercenaria. Ito ay dinaluhan ni Dr. Peter Donkin ng Marine Biological Laboratory sa Plymouth, isang eksperto sa pagsukat ng kakayahan ng mga mullosk na makapag-filter.
Sa eksperimento, inilagay ang pinatubong algae (Isochrysis galbana) sa mga sisidlan na may tahong. Ang pagbawas ng konsentrasyon ng selyula sa pagdaan ng oras ang nakapagbigay ng impormasyon patungkol sa filtration rate ng tubig. Kamangha-mangha ang naging resulta ng eksperimentong ito. Ang isang tahong na sumusukat ng ilang sentimetro lamang ay may kakayahang mag-filter ng hindi bababa sa dalawang litrong tubig sa loob ng isang oras. Kung iisipin, may 1-10 m3 tubig ang nasasala ng mga tahong na umuukopa ng 1m2 sa kailaliman sa loob ng isang araw. Ito ay isang malinaw na ebidensiya na sila ay isa sa mga aktibong komponent sa mga importanting proseso sa ating biosphere. Ang pag-aaral na ito ay nagpatunay sa kakayahan ng surfactants na pigilin o bawasan ang filtration activity ng ilang mga mullosks. Ang resulta sa pag-aaral na ito ay pormal ng nailathala [1].
ANG MGA TAHONG AT TALABA SA SEVASTOPOL
Muling sinubukan ang isinagawang eksperimento’t pag-aaral sa isa pang uri ng tahong, ang Mytilus galloprovinciali s na makikita naman sa Dagat Itim. Sa tulong ng ilang sayantipiko sa Sevastopol, matagumpay na naisagawa ang pag-aaral sa Institute of Biology of Southern Seas.
Hindi kagaya ng nauna, ang algae na ginamit sa pag-aaral dito ay ang Monochrysis lutheri. Naiba din ang paraan ng pagsukat sa konsentrasyon ng selyula sapagkat isang aparato na kung tawagin ay spectrophotomete r ang siyang ginamit. Katulad sa resulta ng naunang pag-aaral, may negatibong epekto ang surfactants sa filtration activity sa uri ng tahong na ito. Kasama sa formula nito ay mga synthetic o likha ng tao. Ganito din ang naging resulta ng subukang gamitin ang Crassostrea gigas, isang uri naman ng talaba. Ang mga resulata sa pag-aaral na ito ay may malaking pagkakatulad [2-9].
Ang uri ng mollusk na pinag-aralan ay dalawa lamang sa mga lamang dagat na pinagtutuunan ng pansin sa mariculture. Dahil dito, kaya labis ang kahalagahan o importansiya ng mga pag-aaral upang malaman anong uri ng polusyon at pollutants sa kapaligiran ang may masamang epekto sa mariculture. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa mula 1999 hanggang 2006.
ANG MGA ROTIFERS: MULA BERLIN HANGGANG SANTA FE (U.S.A.)
Muling isinigawa ang pag-aaral na ito sa ibang uri naman ng organismo na kung tawagin ay rotifers. Ang mga rotifers ay isang uri ng plankton atfilter-feeder. Sa tulong ni Dr. Nataliya Kartashova ng Moscow State University at sa kaalaman ni Professor Norbert Walz mula sa Institute of Freshwater Ecology (Berlin) ukol sa pagpaparami ng isang uri na rotifer, naisagawa ang pagsasaliksik na ito.
Ibinahagi ni Professor Walz ang kanyang kaalaman sa pagpaparami ng Brachionus angularis sa turbidostat. Kayang mapanatili ngturbidostat ang konsentrasyon ng selyula ng algae na ilalagay ditto. Sa ganitong pamamaraan, possibling masukat ang konsampsiyon sa selyula ng algae ng mga rotifers o sa madaling salita, ang filtration rate ng mga rotifers.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin kung ang epekto ng surfactants sa mga mollusks ay kapareha din ng sa mga rotifers bilang filter-feeders. Brachionus calyciflorus ang uri ng rotifer na ginamit sa pag-aaral na ito. Pinagsama ang rotifer at ang kanyang pagkaing-algae(Nannochloropsis limnetica) sa turbidostat at inobserbahan. Lumabas na nabawasan din ang rate ng filtration activity sa tubig ng rotiferskagaya ng naunang pag-aaral sa mga mollusks. Ang resulta sa pag-aaral na ito ay pormal ding nailathala noong taong 2003[10].
Sa pamamagitan ng resultang ito, masasabi nating unstable ang mga mekanismo sa straktura ng mga organismo sa ekosistema. Napaka-sensitibo ng mga ito kahit sa mababang konsentrasyon lamang ng mga pollutants.
ANG MGA UNIONID MOLLUSKS SA TUBIG-TABANG NG REHIYON NG MOSCOW
Ang mga pag-aaral sa epekto ng surfactants ay isinagawa lamang sa mga mollusks sa tubig-alat. Dulo’t nito, minabuti ko na gawin din ang pag-aaral sa mga mollusks na nasa tubig-tabang. Sinubok ang eksperimentong ito sa isang unionid bivalve mollusks, ang Unio pictorum, na makikita sa mga ilog sa rehiyon ng Moscow.
Tatlong uri ng surfactants ang ginamit sa naturang pag-aaral: anionic, cationic at nonionogenic. Ang kakayahan ng mga mollusks sa tubig-tabang na mag-alis ng bacteria sa pagsasala ng tubig ay pinag-aralan din. Hinaluan ng tig-30ml na suspensiyon ng Escherichia coli ang bawat sisidlan na may mollusk. Sinukat ang konsentrasyon ng bacteria pagkatapos ang 24hrs na incubation. Lumabas sa resulta sa mga konsentrasyon nito ang 150,000 selyula/ml ang sa sisidlan na may mollusks at 480,000 selyula/ml naman ang nasa control, ibig sabihin ay wala ditong inilagay na mollusks. Sa madaling salita, bumagsak ang konsentrasyon ng bacteria ng may 69% sa sisidlan na may mollusks. Ito ay patunay sa mahalagang ginagampanan ng mga filter-feeders sa paglilinis ng tubig. Ang mga resulta sa pag-aaral na ito ay pormal din nailathala [11].
KISHINEV: ZEBRA MUSSELS
Isa ding pag-aaral ang isinagawa patungkol naman sa isang pang uri ng tahong, ang Dreissena polymorpha o ang zebra mussels. Ito ang naging sentro ng pag-aaral ng isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Institure of Zoology – Academy of Sciences of Moldova sa pangunguna ni Dr. Yelena Zubkova. Kanilang pinag-aralan ang akumulasyon o ang pagkatipon ng ilang mga metal kagaya ng iron, copper, zinc at manganesesa mga mullosks.
Lubhang mabilis magpadami ang mga uri ng tahong na ito. Sa katanuyan, inaagawan na nila ang alokasyon para sa iba pang lamang-dagat. Dulot nito, malaki ang epekto nila sa balanse ng ekosistema. Ang mga kadahilanang ito ang nagbigay daan upang mas lalo pang paigtingin ang mga pag-aaral ukol dito.
Sa tulong na rin ng ilang mga sayantipiko sa Moldova, naisagawa ang pag-aaral sa tungkuling ginagampanan ng mga mollusks sa distribusyon ng mga kemikal sa ating biosphere noong taong 2006. Sa puntong ito, malinaw na ang pagpigil ng mga heavy metals sa filtration activity. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay kagaya din sa mga nakaraang resulta ng mga naunang pag-aaral particular na sa Sevastopol mula 2001 hanggang 2005.
ANG MGA PAG-AARAL SA “APARATO” NG ATING BIOSPHERE
Noong taong 1986, inilathala ko ang librong Introduction of Biochemical Ecology na may konseptong naglalahad na ang biosphere ay isangbiochemical continuum. Sa pagdaan ng panahon, maraming nakuhang mga ebidensiya mula sa mga resulta ng iba-ibang pag-aaral ang nagpatotoo dito. Ang iba-ibang gawain ng tao ang nagbigay ng maraming ant dumarami pang mga kemikal ang napapasa sa negatibong epekto.
Ilan pa sa mga termino na unang nabanggit sa aklat na ito ay ang chemoregulators at chemediators. Ang mga terminong ito ay tumutukoy sa mga kemikal na mula sa ibang organism na kayang maka-apekto o makalikha ng pagbabago sa ibang pang uri ng organismo kagaya ng toxinsat pheromones. Ang mga kemikal na ito ay kayang makialam sa ibang uri ng organismo kagaya ng pagbabago sa ugali or gawi sa pagkakataong umipekto ang mga ito sa kanila kagaya ng biglaang kawalan ng pagkain ng isang hayop. Dahil dito, ang konsepto ng synecological cooperationo ang pagkakaroon ng koneksiyon at pagtutulungan sa iba-ibang uri ng organismo ay ibinahagi ko. Ito ay napatunayan sa pamamagitan ng mga pag-aaral ng mas marami pang symbiotic relationships.
Napakaraming ng aklat ng nailathala ukol sa malaking ginagampanan ng mga organismong naglilinis sa tubig. Lahat ng mga nilalang na nakatira sa tubig ay my ginagampanan upang mapanatili ang kalinisan nito. Ang malinaw na gampanin, koordinasyon at kooperasyon ng mga organismong makikita sa tubig ang nagdudulot ng napakagandang balanse sa sistema.
Ano nga ba ang nais ipahiwatig ng mga resultang ito? Ang teorya ukol sa balanseng kooperasyon ng mga organismo ay hindi malinaw sa mga detalye nito. Gamit ang mga resultang ito, masasabi natin na ang pagkakahati ng biosphere sa kanyang mga komponent na mga organismo ay nagbigay daan upang magkaroon ng espesyalisasyon ang bawat isa sa pagpapanatili ng balanse nito. Ang pagkakaroon ng pambihirang dami ng komponent ay nagdulot ng napakaraming mekanismo upang upang masuportahan at mapanatili ang integridad ng buhay sa mundo. Isa sa mga kritikal na proseso ay ang pagsasala ng tubig upang maging kaaya-aya ito sa iba pang uri ng may buhay. Ito ay magaling at maingat na ginagamapanan ng mga filter-feeders. Ang mga mekanismo at mga organismong ito ang napaka-sensitibo sa mga pollutants. Ito ang nagbibigay ng panganib sa kapaligaran at sa iba pang uri ng may buhay. Ang mga panganib na ito ay dala din naman ng mga synthetic na kemikal na likha ng tao.
Ang mga pananaliksik na ito ang nagpatunay sa peligrong dulot ng mga synthetic detergents sa mga filter feeding mollusks. Ang seryosong panganib na ito ay makikita sa katutuhanang ang pagbaba ng filtration capacity ay nangangahulugan ding pagbaba ng paglilinis ng tubig. Naglalabas ang mga mollusks ng pellets na gawa sa mga materyal na nasasala nila mula sa tubig. Sa madaling salita, nalilipat ang mga organikong materyal mula mataas na bahagi ng katubigan hanggang sa bottom o malalim na bahagi nito. Sa ganitong paraan, nagagawa nitong panatilihin sa isang lebel ang konsentrasyon ng CO2 sa atmospera ng mundo. Sa madaling salita, sila ay meron ding ginagampanang tungkulin sa pagpapanatili na kaaya-ayang klima sa mundo. Ang peligrong dala ng polusyon sa ganitong mga organismo ay isa ring peligro sa ating klima.
Sa pamamagitan ng mga bulto ng kaalaman, ang napakaraming interaksiyon ng mga kemikal at ng mga organismo sa mundo ay higit nating nakikita sa kasalukuyan. Maraming mga natural na kemikal ang nagbibigay kaugnayan sa iba’t ibang uri ng may buhay. Nakikita natin ang mga organismo bilang komponent ng biosphere at nakikita din natin ang interaksiyon ng mga organismong ito.
Sa praktikal na aspeto, higit makakabuti ang paglikha ng mas mainam na sistema sa ebalwasyon ng mga panganib dala ng mga gawain ng tao at ang pagtuklas pa ng iba pang anggulo sa mga panganib na ito. Ang tinutukoy dito ay ang pagkasira ng ugnayan ng bawat organismo at ang tungkulin ng mga ito. Ang mga tungkuling ito, bagama’t ginagampanan lamang ng malilit na organismo, ay napakahalaga sa pagpapanatili ng maayos na kalidad na tubig sa mundo.
Addendum:
- Ang mga naturang teoritikal na konsepto at mga inobasyon ay nailathala na sa iba’t ibang akda at mga pag-aaral [12-16]
- Ukol sa mga bagong kaalaman at konsepto, may suhestiyon ang may akda ukol sa mga prinsipyong my kinalaman sa paggsasaayos at pagprotekta ng ating kalikasan [17]
- Ilang praktikal na suhestiyon din ang naisagawa sa pag-bibigay control sa eutrophication [18]
- Ang seris ng mga akdang ito ay nailathala na rin at nasuri sa isang libro [19]
- Ang pagsasaliksik kasama si Yelena Solomonova ang nailathala na rin [20]
-[katapusan]-
References:
- Ostroumov, S. A.; Donkin, P.; Staff, F. Filtration inhibition induced by two classes of synthetic surfactants in the bivalve mollusk Mytilus edulis // Doklady Biological Sciences, 1998. Vol. 362, P. 454-456.
- Ostroumov S. A. The concept of aquatic biota as a labile and vulnerable component of the water self-purificatio
n system. - Doklady Biological Sciences, Vol. 372, 2000, pp. 286–289. http://sites.goo gle.com/site/200 0dbs372p286biota labil/; https://www.rese archgate.net/pub lication/1237551 4_The_concept_of _aquatic_biota_a s_a_labile_and_v ulnerable_compon ent_of_the_water _self-purificati on_system; https://www.rese archgate.net/pub lication/2159060 04_The_concept_o f_aquatic_biota_ as_a_labile_and_ vulnerable_compo nent_of_the_wate r_self-purificat ion_system;
- . Ostroumov S.A. Some aspects of water filtering activity of filter-feeders. - Hydrobiologia. 2005. Vol. 542, No. 1. P. 275 – 286. DOI:10.1007/s107
50-004-1875-1; https://www.rese archgate.net/pub lication/2269028 07_Some_aspects_ of_water_filteri ng_activity_of_f ilter-feeders
- Ostroumov S. A. An aquatic ecosystem: a large-scale diversified bioreactor with a water self-purificatio
n function. - Doklady Biological Sciences, 2000. Vol. 374, P. 514-516. http://sites.goo gle.com/site/200 0dbs374p514biore actor/
- Ostroumov S.A. Criteria of ecological hazards due to anthropogenic effects on the biota: searching for a system. - Dokl Biol Sci (Doklady Biological Sciences).2000;3
71:204-206. http://sites.goo gle.com/site/200 0dbs371p204crite ria
- Ostroumov S. A. An amphiphilic substance inhibits the mollusk capacity to filter out phytoplankton cells from water. - Biology Bulletin, 2001, Volume 28, Number 1, p. 95-102. ISSN 1062-3590 (Print) 1608-3059 (Online); DOI 10.1023/A:102667
1024000;http://www.sprin gerlink.com/cont ent/l66562802016 3255/;
- Ostroumov S. A. Inhibitory Analysis of Regulatory Interactions in Trophic Webs. -Doklady Biological Sciences, 2001, Vol. 377, pp. 139–141.
- Ostroumov SA. Imbalance of factors providing control of unicellular plankton populations exposed to anthropogenic impact. - Dokl Biol Sci (Doklady BiologicalScienc
es).2001;379:341 -343. http://sites.goo gle.com/site/1db s379p341imbalanc e/; https://www.rese archgate.net/pro file/Sergei_Ostr oumov/blog/321_D iscovery_of_the_ system_where_che mical_pollution_ could_impair_the _regulation_and_ balance_in_the_a bundance_of_phyt oplankton_threat _to_ecological_s tability_
- Ostroumov SA. Effect of amphiphilic chemicals on filter-feeding marine organisms. - Dokl Biol Sci (Doklady Biological Sciences). 2001; 378:248-250. [Sa unang pagkakataon ay unang ginamit ang mga talaba sa eksperimento uko sa surfactants at detergents. Ang mga ito ay my hated na peligro sa mariculture. http://sites.goo
gle.com/site/200 1dbs378p248effam maroyst/
- Ostroumov S.A., Walz N., Rusche R. Effect of a cationic amphiphilic compound on rotifers.- Doklady Biological Sciences. 2003. Vol. 390. P. 252-255.
- Ostroumov SA. Responses of Unio tumidus to mixed chemical preparations and the hazard of synecological summation of anthropogenic effects. - Dokl Biol Sci (Doklady Biological Sciences). 2001; 380: 492-495. http://sites.goo
gle.com/site/200 1dbs380p492unio/
- Ostroumov SA. A new type of effect of potentially hazardous substances: uncouplers of pelagial-benthal coupling. - Dokl Biol Sci (Doklady Biological Sciences).2002;3
83:127-130. https://www.rese archgate.net/fil e.FileLoader.htm l?key=d988acb599 e121964c48114374 a87e8d; www.springerlink .com/index/28V23 JBFADL1Y100.pdf; In the paper new facts are reported that shows man-made hazards to 3 aspects of functioning of the biosphere and ecosystems: (1) formation of water quality; (2) biogeochemical flows of C, N, P and other constituents of biomass; (3) formation of deposits of organic matter as bottom sediments. https://www.rese archgate.net/pro file/Sergei_Ostr oumov/blog/358_T hree_new_key_haz ards_to_the_func tioning_of_the_b iosphere;
- Ostroumov S. A. Identification of a New Type of Ecological Hazard of Chemicals: Inhibition of Processes of Ecological Remediation. - Doklady Biological Sciences, Vol. 385, 2002 (November), pp. 377–379. [Translated from Doklady Akademii Nauk, Vol. 385, No. 4, 2002, pp. 571–573]. https://www.rese
archgate.net/fil e.FileLoader.htm l?key=8408a7cfaa 984764b812ce79c7 7007f2;
- Ostroumov S. A. Inhibitory analysis of top-down control: new keys to studying eutrophication, algal blooms, and water self-purificatio
n // Hydrobiologia. 2002. vol. 469. P.117-129. A new approach to prevent pollution, eutrophication, and algal blooms was identified and analyzed in this paper. The approach is based on efficient use of the natural mechanisms of self-regulation of ecosystem. DOI 10.1023/A:101555 9123646; http://www.moipr os.ru/files/auth or_4_article_9.d oc; www.springerlink .com/index/R9PTJ EQ5FK8VLA6M.pdf; http://scipeople .com/uploads/mat erials/4389/2Hyd robiologia469p11 7w%20Addendum.DO C;
- Ostroumov S.A. Polyfunctional role of biodiversity in processes leading to water purification: current conceptualizatio
ns and concluding remarks. - Hydrobiologia, 2002 (February), 469: 203-204. DOI 10.1007/s10750-0 04-1875-1; http://scipeople .com/uploads/mat erials/4389/2H46 9p203.Polyfuncti onal.role.w.Adde ndum.rtf
- Ostroumov SA. The hazard of a two-level synergism of synecological summation of anthropogenic effects. - Dokl Biol Sci. (Doklady Biological Sciences). 2001; 380:499-501. [New facts and concepts. Discovery of a fundamentally new type of environmental hazards from chemical pollution]
- Ostroumov SA. System of principles for conservation of the biogeocenotic function and the biodiversity of filter-feeders. - Dokl Biol Sci (Doklady Biological Sciences). 2002; 383:147-150. https://www.rese
archgate.net/fil e.FileLoader.htm l?key=888352078b 275ef40a430eb5b4 d7714c; https://www.rese archgate.net/pro file/Sergei_Ostr oumov/blog/359_H ow_to_establish_ a_new_type_of_re serves_to_protec t_aquatic_biodiv ersity_and_ecosy stem_services;
- Ostroumov SA. The synecological approach to the problem of eutrophication. - Dokl Biol Sci. (Doklady Biological Sciences). 2001; 381:559-562. http://scipeople
.com/uploads/mat erials/4389/Danb io6_2001v381n5.E .eutrophication. pdf19.
- book: Ostroumov S. A. Biological Effects of Surfactants. CRC Press. Taylor & Francis. Boca Raton, London, New York. 2006. 279 p. ISBN 0-8493-2526-9 [new facts and concepts on assessment of hazards from chemicals, new look on the factors important to water quality, to sustainability; new priorities in environmental safety]; the table of contents see at: http://www.chips
books.com/biosur fc.htm;
- Solomonova E.A., Ostroumov S.A. Tolerance of an aquatic macrophyte Potamogeton crispus L. to sodium dodecyl sulphate. - Moscow University Biological Sciences Bulletin [ISSN 0096-3925 (Print) 1934-791X (Online)]). 2007. Volume 62, Number 4. p.176-179. DOI 10.3103/S0096392
507040074.
Additional references:
Studying effects of some surfactants and detergents on filter-feeding bivalves. Hydrobiologia.
2003, Volume 500, Issue 1-3, pp 341-344.
DOI 10.1023/A:102460 4904065;
**
Isa pang mahalagang babasahin:
http://www.beamr each.org/data/10 1/Science/proces sing/Nora/Papers /Inhibition%20of %20mussel%20susp ension%20feeding %20by%20surfacta nts%20of%20three %20classes.pdf





